CEBU – Kinompirma ng mga miyembro ng Cebu City Fire na diumanoy sadya ang pagkakasunog sa Barangay Punta Princesa sa Cebu na lumamon sa limang sitio at naka-apekto sa 819 pamilya.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu kay SFO2 Wendel Villanueva, spokesperson ng Cebu City Fire, patuloy pa ang kanilang ginagawang imbistigasyon ukol sa insidente dahil intentional yung sunog pero inaalam pa kung anong nature ang ginamit o ginawa upang magkaroon ng apoy.
Nasa kustodiya na nang kapulisan ang isang Marilou Alfeche alyas “Marimar” na syang itinuturong suspek sa nasabing sunog upang mapanatili itong ligtas.
Samantala, isinalaysay ni Villanueva na nahirapan sila sa pag-apula nang apoy dahil narin sa kasikipan ng lugar.
Tinatayang aabot sa P16.5 milyon ang naging danyos ng sunog kung saan 819 pamilya ang apektado.
Dagdag pa nito ay kompirmado rin ang pagkamatay ng isang Ebert Feniza, 40-anyos sa nangyaring sunog na umaabot pa sa limang oras bago pa madeklarang fire out.