DAVAO CITY – Nasabat ng Bureau of Internal Revenue Regional Office – Digos City District Revenue Office ang kahon-kahon na mga ipinuslit na sigarilyo.
Sa ikinasang operasyon ng BIR kasama ang regional Maritime Police. Nasa 820 na karton ng iba’t ibang brand ng sigarilyo ang nasabat ng otoridad. Base sa inisyal assessment nasa mahigit kumulang P22.5 milyon ang excise tax na naipagkait mula sa nasabing kontrabando.
Inaasahan naman na aabot sa 225 milyon 550 thousand pesos ang multa na babayaran ng may-ari ng ipinuslit na sigarilyo na nagmula umano sa Malaysia.
Sa ngayon ay tumanggi muna ang BIR na pangalanan ang taong nasa likod ng smuggling, dahil matagal na umanong namatay ang sinasabing indibidwal.
Napag-alaman sa imbestigasyon na ang anak ng may-ari ang humalili sa negosyo, na siya rin ang nasa likod ng cigarette smuggling activities sa Digos City.
Samantala, ngayong Byernes inaasahang ilalabas ng BIR ang karagdagang impormasyon, sapagkat inaayos pa ng otoridad ang lahat ng ebidensiya at dokumento na kakailanganin para sa kasong isasampa laban sa suspek.