-- Advertisements --

Nagawang maitumba ng Memphis Grizzlies ang Golden State Warriors, 106-101 sa Game 2 ng kanilang best-of-seven series.

Binitbit ni Ja Morant ang team gamit ang 47 points para itabla ang serye sa tig-isang panalo sa Western Conference semifinals.

Ang NBA’s Most Improved Player, ang ikatlong player sa kasaysayan ng liga na nagtala ng tatlong 45-points games sa postseason bago ang edad na 23-anyos.

Ang dalawa pa sa mga ito ay sina LeBron James at Kobe Bryant.

Samantala sa Warriors naman, nagpakita si Stephen Curry ng 27 points gayunman inalat sila sa pagtatangka ng mga tira sa three point areas.

Sa Lunes dadayuhin ng Memphis ang Warriors sa kanilang Game 3.