Patuloy ang paglobo ng Covid-19 cases sa Philippine National Police (PNP), umabot na sa ibang rehiyon sa Luzon, Visayas at Mindanao ang kaso ng mga Pulis na tinatamaan ng nakamamatay na virus.
As of 6PM kahapon, August 11,2020 nakapagtala ang PNP Health Service ng 83 bagong kaso sa kanilang hanay.
Pinakamarami pa rin ang NCRPO na nasa 32 bagong Covid-19 cases, Tig-Walo ang Region 3 – Central Luzon at Bicol Region , 6 sa MIMAROPA , tig-5 ang NHQ at PNP SAF, tig-tatlo ang CALABARZON at Central Visayas , 2 sa Information Technology Management Service o ITMS at tig-isa na ang Police Retirees and Benefit System o PRBS, AKG, CIDG, HPG, at sa mga rehiyon ng Western Visayas, Zamboanga Peninsula , Davao Region at Bangsa Moro Region.
Sa ngayon, pumalo na sa 2,621 Covid-19 cases ang naitala sa Philippine National Police (PNP), 1,757 ang gumaling at 12 ang namatay.
May 853 na probable cases at 2152 na suspected cases sa hanay ng PNP.
Pinatitiyak naman ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa na napapangalagaan ang kalusugan ng mga pulis lalo na ang mga frontliners na nagmamando ng mga quarantine checkpoints.