BACOLOD CITY – Aabot sa P2 million ang pinsala sa nasunog na 83-anyos na mansion ng dating gobernador ng Negros Occidental.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Fire Senior Inspector Arden Bedoña, chief ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cadiz City, patuloy pa nilang tinutukoy ang pinagmulan ng apoy ngunit sa kanilang inisyal na pag-usisa nagsimula ito sa kusina.
Ayon kay Bedoña, nakatira ngayon sa Gustilo mansion ang isa sa mga kamag-anak ni former Governor Vicente Gustilo Sr. na si Evangeline Ramos.
Napag-alaman na nagluto muna si Ramos bago nito inihatid sa eskwelahan ang kanyang mga anak, at nagulat ito na tinutupok ng apoy ang mansion pagbalik nito.
Haligi na lamang ng 83-year old mansion ang natira sa ngayon.
Napag-alaman na itinayo ni Dr. Vicente Gustilo Sr. ang mansion noong 1936 sa Hacienda Hortencia, Brgy. Daga.
Si Gustilo ang gobernador ng Negros Occidental simula August 1, 1942 hanggang April 1943.
Noong unang panahon, naging venue ang Gustilo mansion ng pagtitipon ng mga pulitiko at mayayaman sa Negros Occidental.