CAGAYAN DE ORO CITY- Lumubo pa sa 84 ang bilang ng mga namatay sa sakit na dengue sa rehiyon 10.
Ito’y kahit sa malawakang kampaniya ng Dept. of Health (DOH-10) laban sa dengue, lalong lalo na ang pagsasagawa ng ‘4 o’clock habit’ sa mga barangay.
Ayon kay DOH Assistant Regional Director Dr. David Mendoza na 18 sa mga namatay nagmula sa Lanao del Norte, 17 sa Misamis Occidental, 15 sa Iligan City, 13 sa Bukidnon, 10 sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental at 1 mula sa Camiguin.
Naitala rin ng DOH ang 21,457 na dengue cases sa buong rehiyon mula buwan ng Enero hanggang Septembre nitong taon.
Dahil dito, muling hinikayat ni Dr. Mendoza ang publiko na tumulong sa kanilang kampaniya laban sa mga lamok na carrier ng dengue sa pamamagitan ng paglinis sa kapaligiran na kanilang nasasakupan.