-- Advertisements --

Nasa 84 na pamilya na residente ng lungsod ng Makati ang inilikas sa evacuation centers na naapektuhan ng bagyong Kristine.

Ang mga lugar ay kinabibilangan ng 13 pamilya sa Barangay Pio del Pilar; 34 pamilya sa Barangay Palanan; 21 pamilya mula sa Barangay San Antonio at 16 na pamilya mula sa Barangay Olympia.

Maaring makabalik din agad pagsapit ng umaga ang mga lumikas sa evacuation centers dahil sa humupa na ang ulan ganun ay bumaba na ang pagbaha.

Hinatiran naman ni Makati City Government ng mga tulong gaya ng food packs ang mga inilikas na mga residente.