-- Advertisements --

Umabot sa 84 na mga driver ng public utility vehicles (PUV), kabilang ang mga tricycle at motorcycle taxi riders, ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa isang surprise drug test na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Abril 16, Miyerkules.

Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, isinagawa ang drug test bago ang inaasahang dagsa ng mga pasahero na magbabalik-probinsiya para sa Semana Santa. Sa kabuuang 3,270 na mga driver na sumailalim sa pagsusuri, 13 sa mga ito ay bus drivers, 19 ay jeepney drivers, 37 ay tricycle drivers, at 11 ay UV express drivers.

Kasama rin sa mga nagpositibo ang isang mini-bus driver, isang taxi driver, dalawang motorcycle taxi riders, at dalawang bus conductors.

Dahil dito pinagbabawalan ng magmaneho ang mga nagpositibo at sila ay inalisan narin ng lisensya ng Land Transportation Office (LTO) habang hinihintay ang resulta ng confirmatory test mula sa PDEA. Kung saan kailangan muna nilang sumailalim sa rehabilitasyon bago makuha muli ang kanilang lisensya.