Aabot na sa mahigit 84,000 katao o mahigit 17,000 pamilya ang nagsilikas at apektado sa nagpapatuloy na labanan sa Marawi City.
Sa panayam kay Myrna Jo Henry, information officer, ng ARMM-HEART o Humanitarian Emergency Action and Response Team kaniyang sinabi na ang mga evacuees na ito ay nailipat na sa walong evacuation centers sa Iligan City.
Ang mga nagsilikas ay mula sa 17 munisipalidad na direktang naapektuhan sa labanan at ngayon binibigyan na ng ayuda ng pamahalaan.
Sinabi ni Henry na kaninang umaga ay nagkaroon pa ng putukan at bombardment.
Sa ngayon ay umabot na sa higit 1,400 na mga sibilyan ang narescue ng ARMM-HEART sa Marawi City.
Nagsasagawa na ng tracking ang ARMM-HEART sa mga internally displaced persons
ng sa gayon mabatid kung may trapped pang mga sibilyan.
Ang Marawi City ay mayroong population na higit 201,000 at ang narescue nila ay nasa 84,000 na mga indibidwal kung saan halos kalahati na ng populasyon ang nailigtas.
May itinalaga ding hotline ang ARMM-HEART para dito kumontak ang mga na trap sa sagupaan.