UMAABOT sa 845 ang “unopposed candidates” para sa halalan sa Mayo 9 base sa datos na ipinakita ng Commission on Elections (Comelec).
Mayroong 18,023 na puwesto para makuha sa darating na botohan.
Sa 253 na congressional seats, 39 ang unopposed.
Sa 81 puwesto ng gobernador sa probinsiya, 9 ang unopposed.
Samantala, 11 sa 81 puwesto ng gobernador sa probinsiya ang hindi nilalabanan.
Sa 782 na puwesto para sa Sangguniang Panlalawigan, 45 ang hindi nilalabanan.
Sa 1,634 na puwesto para sa alkalde at bise alkalde, 203 ang hindi nakakalaban para sa alkalde at 254 para sa bise alkalde.
Sa 13,558 na puwesto para sa mga konsehal, 284 ang hindi nilalabanan.
Ang official campaign period para sa mga lokal na kandidato ay magsisimula na sa Biyernes.
Pinaalalahanan ni Comelec commissioner George Erwin Garcia ang mga lokal na kandidato na manatili sa minimum health standards sa kanilang pagsisimula ng kanilang mga kampanya.
Sinabi ni Garcia sa mga kandidato na dapat nilang alalahanin na ang kanilang mga kampanya ay hindi magiging super spreader events.