-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 85% ang isinasagawang road clearing operation ng Public Order and Safety Division (POSD) sa mga mga obstruction sa mga lansangan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD chief Pilarito Malillin sinabi niya na nagpapasalamat sila sa mga kusang nagtanggal ng sagabal sba tapat ng kanilang mga establisyemento dahil kung hindi sila nakikipagtulungan ay hindi nila ito magagawa ng isang araw lamang.

Aniya, bagama’t may mga pumalag ay pumayag din pagkatapos nilang kausapin at ipinaliwanag kung bakit nila ito gagawin.

Ngayong araw ay isinagawa nila ang clearing operation sa Sillawit, Nungnungan 2, Turayong at Poblacion.

Ayon kay POSD Chief Malillin, binigyan nila ang lahat ng notice kahit pa ang pinakamalayong mga barangay ng lunsod.

Wala aniya silang pipiliin kahit pa pag-aari ito ng pamahalaan dahil kautusan ito ng pangulo.

Nakiusap din siya sa mga opisyal ng bawat barangay na makipagtulungan sa isinasagawa nilang clearing operation upang matapos ito bago pa man matapos ang ibinigay sa kanilang palugit.