-- Advertisements --

sanjuan1

Nasa 85 na mga armas ang narekober ng San Juan City PNP sa ilalim ng “Oplan Katok” campaign.

Iprisinta kay San Juan City Mayor Francis Zamora at Eastern Police District director B/Gen Johnson Almazan ang mga narekober na mga armas na isinagawa sa city hall ng siyudad.

Hinimok naman ni Mayor Zamora ang mga gun owners sa kanilang lungsod na mag-renew ng kanilang firearms registration, anim na buwan bago ang expiration date para maiwasan ang pagbawi ng kanilang mga baril na maaaring magresulta sa search warrant.

Ang “Oplan Katok” ay kampanya ng PNP kung saaan binibisita ng mga ito ang mga bahay ng mga firearms holder na hindi pa nakapag-renew ng kanilang lisensiya.

Ilalagay sa safekeeping ng San Juan Police Station ang mga baril at ibabalik sa mga may-ari sa sandaling nakapagrehistro na sila.

Ayon sa San Juan City Police, simula ng ipatupad nila ang kampanya noong January 15, 2020 nasa 85 firearms na ang kanilang narekober kabilang dito ang siyam na rifles, siyam na shotguns, 19 revolvers, at 48 pistols.

Malaki rin ang ambag sa peace and order siyudad ng San Juan ang mga narekober na armas.

sanjuan

Ang San Juan City ang may pinakamababang crime rate incident umano sa buong NCR.

Samantala, siniguro naman ni Zamora na mahigpit pa rin ang pagpapatrulya ng mga pulis sa kanilang siyudad kahit limitado na lang sa apat na oras ang curfew sa San Juan City.