Tinawag ng Department of Health (DOH) na magandang panimula sa bagong taon na mas kokonti ang sugatan dahil sa paputok sa pagsalubong taon.
Una rito ipinagmalaki ng DOH na bumaba ng 11% ang bilang ng mga sugatan na may kinalaman sa fireworks.
Sa report ni DOH Sec. Francisco Duque III sinabi nito na tagumpay ang kanilang kampanya.
Sa kabuuan nasa 85 ang mga fireworks-related injuries kung saan sa nakalipas na magdamag ay nasa 55 ang nadagdag na mga kaso.
Sinasabing mas mababa umano ito kumpara noong 2021 sa pagsalubong din ng bagong taon na umaabot sa 96 sa kaparehong araw.
Samantala, wala rin namang naitalang sugatan dahil sa stray-bullet at pagkalason dulot ng fireworks ingestion.
Ayon pa sa DOH, karamihan daw sa mga kaso na fireworks-related injuries ay tinamaan ang bahagi ng katawan na kamay na umaabot sa 28, nasa 25 naman ang sugatan sa bahagi ng mata, sa ulo 16 ang mga biktima, umabot naman sa 10 ang sugatan sa braso at walo ang nagtamo ng sugat sa leeg.