Mahigit kalahati ng kabuuang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na nakaratay ngayon sa mga intensive care units (ICU) ng Department of Health (DOH) hospitals sa Metro Manila ang hindi pa bakunado.
Sa isang statement ay sinabi ng DOH na batay sa datos mula sa DOH retained hospitals sa Metro Manila ay nasa 85% na ng
Sa isang statement ay sinabi ng DOH na batay sa datos mula sa DOH COVID Census 2021 sa Metro Manila ay nasa 85% na ng COVID-19 patients ang hindi pa nababakunahan laban sa nakamamatay na virus.
Pagbibigay diin ng ahensya, ito ay isang malinaw na ebidensya na ang mga bakunang isinusulong ng pamahalaan ay mapoprotektahan ang bawat isa laban sa malala at kritikal na pagkakasakit dahil sa COVID-19.
Kung kaya’t sa gitna ng panganib at banta ng Delta at Omicron variants ng COVID-19 ay patuloy pa rin ang panawagan ng kagawaran sa mga hindi pa bakunadong mga indibidwal na magpabakuna na laban sa nakamamatay na virus.
Hinihikayat din ng DOH ang mamamayan na nakatanggap na ng kanilang primary vaccination series na magpabakuna na rin ng booster shots bilang karagdagang proteksyon ng mga ito.
Samantala, dahil sa muling pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 ay una nang inanusyo ng pamahalaan na muling itataas ang Alert Level 3 sa buong National Capital Region (NCR).
May ilang mga hospital na rin ang napaulat na napilitang magsara pansamantala dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga pasyente at personnel ng mga ito.