-- Advertisements --
Aabot na sa 85 percent ng suplay ng kuryente ang nakabalik na Visayas at Mindanao matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Sinabi ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi na nasa 81 sa kabuuang 95 transmission lines ang fully operational na mula pa nitong Disyembre 27.
Kinabibilangan ito ng mga power grids sa Panay, at mga power lines sa Caraga, Negros, Cebu, Leyte at Samar.
Kasalukuyan pa nilang inaayos ang linya ng suplay ng kuryente sa Bohol.