Mayorya ng mga estudyante sa kolehiyo ang pabor na matanggal sa posisyon si Vice President Sara Duterte, ayon sa survey na isinagawa ng Centre for Student Initiatives.
Noong Pebrero 5 ay inimpeach ng Kamara de Representantes si Duterte kaugnay ng mga alegasyon ng katiwalian, korapsyon, bantang pagpappaatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang paglabag sa Konstitusyon.
Batay sa CSI survey, 1,696 sa 2,000 respondent o 84.4% ang sumagot ng pabor sa tanong na “Do you believe Sara Duterte should be removed from office?”
Ayon din sa resulta ng survey, 73.9% o 1,477 sa 2,000 ang pabor na balangkasin ang impeachment trial bago ang eleksyon sa Mayo.
Pinangunahan ng CSI ang pagsasagawa ng online survey mula Pebrero 28 hanggang Marso 16 gamit ang non-probability sampling.
Ang CSI ay isang youth-led, volunteer organization na nagsusulong ng student-driven at solution-oriented research sa bansa.