GENERAL SANTOS CITY – Naisampa na ang kasong rape laban sa isang lolo na humalay sa isang medor de edad na babae sa Panaghiusa, Brgy. Mabuhay nitong lungsod.
Ayon kay Police Major Robert Fores, Chief of Police ng Mabuhay Police Station, ang biktima ay isang Grade 1 student, 6 years old na nakatira sa nabanggit na lugar.
Kuwento ng biktima, binigyan ito ng suspek na si Wenefrido Guilen Grumez, 85 years old ng P20 na coins at dinala sa bakanteng lote na may garden at doon ginawa ang panggagahasa.
Ngunit sinabi ng bata na maraming beses na aniya siyang hinalay ng suspek.
Ayon sa opisyal, sa kanilang pagresponde sa lugar ay nadatnan ang biktima kasama ang Barangay Mabuhay Social Workers habang ang suspek ang kaagad namang nahuli dahil nakaaktohan itong ginahasa ang biktima.
Batay sa resulta sa medico legal examination, positibong ginahasa ang bata.