-- Advertisements --
NDRRMC OCD building

Inihayag ng Office of the Civil Defense (OCD) na aabot sa 850 residnete sa lalawigan ng Batangas ang humingi ng medical aid o nagpakonsulta matapos makaranas ng respiratory illness makaraang magkaroon ng exposure sa volcanic smog mula sa bulkang Taal.

Ayon kay OCD deputy spokesperson Diego Agustin Mariano, tinutugunan ng lokal na pamahalaan ng Batangas at mga karatig na LGUs ang lahat ng pangangailangan ng mga apektadong residente, mapamedikal man o anumang tulong na kanilang kailangan.

Inulat din ng opisyal na karamihan sa mga apektadong residente ay mga senior citizen at mga bata na vulnerable o high risk sa respiratory illness.

Karamihan din sa mga ito ay cleared na o inilagay sa outpatoent care matapos na makatanggap ng medical attention.

Samantala ipinagbabawal paarin ang pagtungo sa may Taal volcano island kung saan huling naobserbahan ang vog noong Martes, Setyembre 26 sa Laurel, Batangas.

Simula noong nakaraang linggo, ayon kay Mariano nasa 19 na bayan sa Batnagas ang apektado ng vog mula sa bulkang Taal.