CENTRAL MINDANAO – Tumanggap ng tig P1,500 o P500 mula sa buwan ng Abril, Mayo at Hunyo o second quarter ng taong kasalukuyan ang mga nakakatanda sa 40 mga barangay ng lungsod.
Aabot sa P25.7 million ang kabuuang halaga ang tinanggap ng nasabing bilang ng mga nakakatanda nitong nakalipas na May 18-21, 2021, ayon pa sa datos mula sa CSWDO.
Pinakamaraming bilang ng mga tumanggap na indigent senior citizens ay ang 1,703 na taga-Barangay Poblacion.
Sila ang mga hindi tumatanggap ng anumang buwanang tulong pinansyal mula sa GSIS at SSS.
Mismong ang mga kawani ng CSWDO at City Treasurer’s Office ang pumunta sa mga barangay upang mamigay ng social pension para na rin hindi maabala pa ang mga senior citizens at maiwasan na rin na mahawa sa COVID-19.
Nagbigay din ng seguridad ang City PNP sa mga empleyadong nagdi-disburse ng tulong pinansyal at sa mga senior citizens na pumunta at tumanggap ng kanilang mga social pension.
Samantala, nakatakda namang ibigay ng CSWDO ang ayudang pinansyal para sa nalalabi pang 629 na mga senior citiznes na bigong maka-claim ng kanilang social pension sa susunod na buwan ng Hulyo o kung kailan matatapos ang General Community Quarantine status na ipinatutupad laban sa COVID-19.