DAVAO CITY – Patuloy na pinaghahanap ng otoridad ang tatlong biktima na natabunan sa landslide sa Purok Sanghay, Barangay Don Salvador, Mati City, Davao Oriental.
Nagtulong-tulong na ang 86 na rescuers upang makuha ang tatlong biktima. Base sa police investigation, natabunan ang 4 na biktima na kinilalang sila Cristituto Matigmusa Casaligan Sr., 62 anyos, may-asawa, residente sa Purok Sanghay, Barangay Don Salvador.
Tinukoy din ang dalawang minor de edad na sila John Gel Paglanson Casaligan, 15 anyos at Jethro Paglanson Quilat, 14 anyos at Roberto Palaez Ampo, 52 anyos na parehong mga residente sa Purok Sanghay, Barangay Don Salvador, Mati City.
Nangisda umano ang mga biktima ng mangyari ang landslide. Una ng narekober ang wala ng buhay na si Cristituto Magmusa Paglanson, 62 anyos nitong nagdaang araw.
Napag alamang si Paglanson ang purok president ng Purok Sanghay kung saan gumuho ang lupa makaraan ang dalawang araw na pag-ulan na nararanasan sa lugar.