-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Aabot sa 86 na mga pasahero ang nastranded sa ilang pantalan sa probinsiya ng Northern Saman dahil sa epekto Bagyong Ambo.
Ayon kay Lt Commander Paterno Belarmino, Commander han Philippine Coast Guard (PCG- Northern Samar) na alas 11 ng tanghali kahapon ng ikansela ang biyahe sa mga pantalan sa naturang probinsiya.
Nananatili naman sa ngayon ang mga pasahero sa naturang mga pantalan.
Ayon pa sa naturang opisyal, hindi pa nila alam kun kailan tatangalin ang suspension sa mga biyahe.
Maliban pa sa mga stranded na mga pasahero ay stranded din ang 44 na rolling cargoes at iba.
Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang paghahangda ng mga opisyal ng naturang lugar sa posible pang maging epekto ni Ambo.