-- Advertisements --

Kalahati umano sa 147 tigre na nakumpiska mula sa Tiger temple ang namatay sa loob ng tatlong taon na isinasagawang pag-rescue sa mga ito.

Ang Wat Pha Luan Ta Bua o Tiger Temple ay tanyag na tourist temple sa Thailand kung saan maaaring makipag-selfie ang mga turista kasama ang mga tigre. Matatagpuan ito sa kanlurang bahagi ng Bangkok.

Kinakailangan magbayad ng admission fee ang mga turista na nais makahalubilo ang mga hayop.

Ngunit tatlong taon na ang nakalilipas ng simulan ng gobeyerno ang pagtatanggal ng 147 tigre matapos masangkot sa wildlife trafficking contoversy ang wildlife sanctuary.

Napag-alaman din na karamihan sa mga tigre na ito ay may dalang canine distemper virus na masama sa kalusugan.

“When we took the tigers in, we noted that they had no immune system due to inbreeding,” ani Prakit Vongsrivattanakul, deputy director-general ng department of national parks, wildlife at plant conservation (DNP) sa Thailand. “We treated them as symptoms came up.”

Hindi naman nito binigay ang eksaktong bilang kung ilang tigre na ang namatay subalit ayon sa report ng Thai PBS 86 sa 147 confiscated animals na ang nasawi kung saan halos ang lahat ang Siberian breed.

Sumailali, sa imbestigasyon ang naturang wildlife sanctuary matapos umugong ang ilang suspetya mula sa gobyerno hinggil sa pagkaka-ugnay nito sa animal abuse at wildlife trafficking.

Karamihan din sa mga monks dito ay inakusahan dahil sa iligal na pag-aalaga ng mga tigre habang base naman sa ulat ng ilang turista, may mga tigre umano na tila pinaiinom ng drugs.

Todo-giit naman ang temple sa mga alegasyon laban sa kanila.

Nabatid din sa isinagawang raid noong 2016, 40 patay na cubs ang nakita sa loob ng freezer kasama ang 20 jars na puno ng baby tigers at organs.