NAGA CITY- Umakyat na sa 86% ang vaccination coverage ng lungsod ng Naga mula noong Disyembre 5.
Dahil dito, kasama na ang lungsod sa mga LGU’s na may pinakamatataas na bilang ng nababakunahan laban sa COVID-19 sa Bicol Region.
Sa naging pagharap sa mga kawani ng media ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na kung 90% ang vacciantion target ng LGU-Naga sa darating na Disyembre 31, 2021, maaaring maabot ang 100% population bago matapos ang 2021.
Aniya, isa sa naging dahilan ng magandang buhos ng vaccination sa lungsod ay ang malawakang pagbabakuna hindi lamang sa Jessie M. Robredo Colliseum kung hindi dahil na rin sa pagsasagawa ng Barangay at School Vaccination sa lungsod.
Sinabi pa ng alkalde, sa 209,000 na target population, mahigit 121,000 na rito ang naturukan na laban sa COVID-19.
Kaugnay nito, implikasyon din umano ito na maaabot ng lungsod ang mahigit 146,000 na vaccination coverage bago matapos ang taon.
Samantala, umaasa ang alkalde na madadagdagan pa ang mababakunahan na mga Nagueño lalo na sa pagdating ng bagong set ng National Vaccination Day sa susunod na linggo.