Nasa 86,000 overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng coronavirus pandemic ang nahandugan ng tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng kanilang financial assistance program.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na nakatanggap daw ng kabuuang 336,809 requests para sa assistance mula sa onsite at repatriated OFWs ang kanilang Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) sa 40 iba’t ibang lugar sa buong mundo at mga tanggapan ng verseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Pilipinas.
“Of the total applications, 85,849 OFWs were qualified and granted the one-time P10,000 or $200 cash assistance from the P1.5-billion emergency aid program for OFWs who were displaced from their jobs due to lockdowns in their host countries or stranded by the community quarantine in the Philippines,” saad sa pahayag.
“Of the approved requests, 54,602 were processed on-site or in various POLOs and 31,247 were evaluated by OWWA,” dagdag nito.
Ayon pa sa kagawaran, ang bilang ng mga inaprubahang ayuda mula sa mga land at sea-based workers ay kumakatawan sa mahigit 50% ng mga target beneficiaries na 150,000 OFWs.
Naglabas na rin ang DOLE ng P482.9-milyon para sa 47,239 kwalipikadong OFWs.
Para naman sa mga balik-manggagawa, inaprubahan na ng OWWA ang 31,247 beneficiaries at ipinagkaloob na sa 20,739 OFWs ang halagang mahigit P207-milyon na inilaan para sa mga repatriates.
Maliban sa mga manggagawang Pinoy na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown o community quarantine, maaari ring maka-avail ng AKAP assiatance ang mga OFWs na nagbalik-bansa matapos magpositibo o hinihinalang dinapuan ng coronavirus.
Maging ang mga OFWs na hindi makaalis sa kanilang lugar na pinagtatrabahuan o nakararanas ng “no work, no pay” dahil sa pandemic mula noong Marso 1 ay kwalipikado rin sa cash aid.