-- Advertisements --
Naipadala na sa Commission on Elections (Comelec) ang ikalawang batch ng automated counting machine na gagamitin para sa 2025 midterm elections.
May kabuuang 8,640 ACMs ang naihatid ng South Korean firm na Miru Systems sa bodega ng Comelec sa Biñan, Laguna.
Ayon sa Comelec, ininspeksyon ng ahensya ang bawat ACM upang matiyak ang kalidad ng mga ito.
Aniya, anumang machines na hindi pumasa sa initial inspection ay ibabalik para palitan.
Ayon pa sa poll body, nagsimulang maghatid ng machines ang Miru noong Hulyo. Naipadala na rin ng naturang kompanya ang 100% ng servers, printers at laptops na gagamitin sa vote canvassing.