-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Ginawaran ng Kapayapaan plaque ang 86th Infantry Battalion Phil. Army sa kanilang national headquarters Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, personal na iniabot ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr., kay Lt. Col. Remigio Dulatre, pinuno ng 86th IB ang Chief of Staff AFP “Kapayapaan” plaque kasabay ng pagtitipon sa General Headquarters ngayong araw.

Ito ay bilang pagkilala sa naiambag ng 86th IB sa pagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Kung matatandaan, noong nakaraang taon, dahil sa puspusan at patuloy na pagpapatrolya ay nagresulta ng mga sagupaan sa panig ng pwersa ng pamahalaan at ng New People’s Army

Sa pagsasagawa ng Community Support Program o CSP sa iba’t ibang barangay ng tinatawag nila JESSA Complex gayundin ang pagpapatupad ng Quick Impact Project s mga barangay na pinamumugaran ng mga rebelde ay nabuwag ng 86th IB ang dating Southern Front Committee ng NPA.

Ayon kay Lt. Col. Dulatre, ang nakuhang parangal ay kauna-unahan sa buong 5th Infantry Division Phil. Army dahil sa naipamalas na kahusayan at pagka-propesyonalismo ng bawat kasapi ng 86th Infantry Battallion Phil. Army.

Ang 86th Infantry (Highlander) Battalion ay isa sa sampong battalion na nakatanggap ng nasabing parangal at nag-iisang Battalion na naparangalan sa buong 5th Infantry Star Division.