Umabot na sa 87 ang mga nasawi matapos ang airstrike ng Israel sa Beit Lahiya, Northern Gaza at 40 ang mga naitalang sugatan ayon sa Palestinian health ministry.
Giit naman ng Israeli military na ang mga naitalang nasawi ay kabuuan lang aniya ng mga naitala ngayong buwan na ang 73 na report aniya ng Hamas media ay pawang ‘exaggerated’ dahil ang pangunahing target aniya ng Israel ay ang mga Hamas.
Sinabi naman ng Gaza health ministry na nagpapahirap sa kanilang pag rescue ay ang problema sa komunikasyon at sa banta umano ng puwersa ng Israeli military sa ilang mga lugar.
Nakataas naman ang abiso sa mga taga South ng Gaza, bagamat nangangamba ang mga Palestino na maubos sa patuloy na pagbomba na ginagawa ng Israel.
Bagay na pinasungalingan ng Israel, dahil patuloy umano nilang pino-rpotectahan ang mga civilian at hinihiwalay sa target nilang Hamas group. (report/script by Bombo John Flores)