CENTRAL MINDANAO- Kahit nangamba nagbalik eskwela na ang nasa 870 mga mag aaral ng Nueva vida National High School sa bayan ng Mlang Cotabato.
Pero sa halip na sa mga silid-aralan sila papasok sa mga temporary learning centers muna magkaklase ang mga mag aaral mula grade 7 hanggang grade 12.
Halos lahat ng mga silid aralan sa Nueva Vide National High School ay hindi na maaari pang gamitin matapos na ideneklara itong delikado ng Municipal Engineering Office.
Kaya ang mga estudyante ay nagtitiis sa mainit at madilim na mga temporary learning shelters.
Katunayan ay hinati ang mga mag aaral sa Nueva Vida National High School.
Ang mga grade 7 hanggang 9 sa gilid muna ng Barangay Hall nagkaklase.
Habang ang mga grade 10 hanggang senior high school ay sa likod ng mga inabandonang mga gusali sa mismong paaralan.
Ayon sa mga opisyal ng paaralan ay titiisin nila ang sitwasyon dahil kailangang maipagpapatuloy ng mga bata ang kanilang pag aaral.
Pero asahan na raw na kahalintulad na sitwasyon parin ang madadatnan ng mga bata sa susunod na school year dahil sagad na umano ang pondo ng Department of Education para mapagawan sila ng mga bagong silid aralan. Matatandaan na isa ang Nuevabida National High School sa mga lubhang naapektuhan nang tumama ang mga malalakas na mga lindol noong buwan ng Oktubre.