-- Advertisements --
Ginagamot na umano sa isolation room ng isang ospital sa Los Angeles ang beteranong brodkaster na si Larry King.
Batay sa impormasyon, nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID) ang 87-year-old American TV and radio host at mahigit isang linggo nang naka-confine sa Cedars-Sinai Medical Centre.
Gayunman, wala pang opisyal na pahayag ang mga kinatawan ni King kaya hindi pa malinaw ang mga detalye hinggil sa pagiging COVID positive nito.
Nabatid na naharap na sa iba’t ibang problema sa kalusugan sa King kabilang ang atake sa puso.
Si King ay mahigit 60 taon na sa kanyang career at nagwagi na ng maraming parangal gaya ng Peabody at Emmy Awards. (BBC)