Nakalabas na umano sa intensive care unit (ICU) ng ospital sa Los Angeles ang beteranong brodkaster na si Larry King.
Ito’y bagama’t hindi pa nakakarekober sa Coronavirus Disease (COVID) ang 87-year-old American TV and radio host.
Batay sa impormasyon, naniniwala si King na nakuha nito ang deadly virus mula sa health care worker na bumisita sa kanyang bahay.
Sinasabing maging isa sa kanyang anak ay tinamaan din ng COVID.
Napag-alaman na mahigit 10 araw nang naka-confine sa Cedars-Sinai Medical Centre si King.
Noong nakaraang taon ay nalagay sa peligro ang kalusugan ni Larry King kung saan siya ay na-stroke at sumailalim pa sa operasyon sa puso.
Sa parehong taon din nang mauwi sa divorce ang pagsasama nila ng kanyang wife of 21 years sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang anak. (OMG)