-- Advertisements --
Natapos ng 88-anyos na si Ploutarchos Pourliakas ang kaniyang 41st Authentic Marathon of Athens.
Sinabi nito na hindi hadlang ang edad at natapos ang marathon sa loob ng anim na oras at 31 minuto.
Mas mabilis ito ngayon ng 18 minuto kumpara noong nakaraang taon.
Kasama niyang binati sa finish line ang kaniyang mga anak at mga apo.
Nagsimula itong sumali sa mga marathon sa edad na 73 sa bayan ng Kastoria, northern Greece.
Ito na ang kaniyang ika 12 na pagkakataon na natapos niya ang marathon.
Sa kaniyang pagsasanay tuwing may marathon ay tumatakbo ito ng apat hanggang limang kilometro kada araw o hanggang 20 kilometers naman sa weekends.