-- Advertisements --

Tatanggalin ng Australian Defense Department ang nasa 1,000 na surveillance camera na gawa ng Chinese comunist party- linked companies mula sa mga buildings nito.

Ayon kay Bombo Denamrk Suede, 913 na camera,electronic entry systems at video recorders na gawa ng Chinese companies.

Sinabi ni Suede na halos lahat ng government buildings, kabilang na ang Defense at Foregin departments ay may nakakabit na Chinese- made surveillance cameras.

Ani Suede, ang hakbang na ito ay upang mapasiguro na maprotektahan ang communications network ng Australia.

Dagdag pa ni Suede,duda ang gobyerno na baka pinapadala sa China sa pamamagitan ng nasabing devices ang mga sensitibong impormasyon,imahe at audio laban sa interes ng bansa.

Una rito, ginawa rin ng United Kingdom ang nasabing hakbang laban sa Chinese- made equipment.