-- Advertisements --
DFA
Mga marinong pinauwi/ DFA photo

Nasa bansa na ang 881 marinong Filipino mula sa iba’t ibang cruise ship na na-stranded sa Amerika dahil sa coronavirus scare.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 445 dito ay nagmula sa Norweigan Cruise Dawn at Encore habang 436 naman ay mula sa MV Magica at MV Favolosa.

Sa pagtutulungan ng DFA sa Philippine Embassy sa Washington ay nakipag-ugnayan sila sa Department of Health, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Transportation, Department of Interior and Local Government (DILG) at mga agencies nila para sa kanilang repatriation.

Dagdag pa ng DFA, sasailalim ang mga ito sa 14-day quarantine bilang protocol na mahigpit naman na babantayan ng Bureau of Quarantine.

Nauna rito nakabalik na sa bansa ang 370 na marinong Pinoy nitong nakalipas na Sabado mula sa tatlong cruise liners na natigil sa Italya.