-- Advertisements --
Naging simple lamang ang ginawang pag-alala ni Kris Aquino sa ika-89 kaarawan ng namayapang ina na si dating Pangulong Corazon C. Aquino.
Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi niya ang magandang relasyon nilang magkakapatid kasabay ng kaarawan ng ina nila nitong Enero 25.
May card pa itong inilagay at caption na nagsasabi tungkol sa kahalagahan ng pamilya.
Labis nitong pinasalamatan ang pamilya dahil sa suportang natatanggap lalo na at dumaranas ito ng autoimmune disease.