Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na aabot na sa 9.3 million COVID-19 vaccine doses ang naibakuna na sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA chief of Staff Michael Salalima, nasa 5.368 million ang naturukan na ng first dose habang nasa 3.927 million naman ang fully vaccinated na.
Ayon naman kay National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon, sisimulan ngayong linggo ang pagbabakuna sa 3 milyong doses na ipinamahagi ng DOH sa NCR noong nakaraang linggo.
Nauna namang inanunsiyo ng Malacanang na magbibigay ng karagdagang 4 million doses ng bakuna sa NCR habang nasa ilalim ito ng dalawang linggong ECQ.
Sa ngayon, base sa data mula sa DOH, tumaas ng 123% ang covid cases sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang linggo kumpara sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo.
Samantala, umaabot nasa 11.3 million Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa bansa.
Basi sa latest vaccine bulletin, iniulat ng DOH na 13,087,781 indibidwal ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 habang nasa 11,391,969 ang kabuuang fully vaccinated.
Sa mga priority group ng vaccination drive ng gobyerno na fully vaccinated hanggang Agosto 8, nasa 1,730,762 health workers, 3,318,212 senior citizens, 4,244,272 persons with comorbidities, 1,734,089 essential workers at 364,634 indigents.
Nasa kabuuang mahigit 24 million na ang doses ng COVID-19 vaccine ang na-administer sa bansa.