BAGUIO CITY – Muli na namang naitala ng Baguio City kaninang umaga ang pinakamababang temperatura nito ngayong taon.
Ayon kay PAGASA-Baguio weather specialist Letty Dispo, alas sais kwarenta kaninang umaga ay naitala ang 9.5 degrees Celsius na temperatura sa Baguio City.
Samantala, ang temperatura sa La Trinidad, Benguet na umabot ng 10.8 degrees Celsius habang sa radar station ng PAGASA-Baguio sa Mount Santo Tomas, Tuba, Benguet ay higit 7 degrees Celsius.
Mas mababa naman ang temperatura sa iba pang bayan ng Benguet, Mountain Province at Ifugao dahil sa mas mataas na elevation ng mga ito.
Matatandaang naitala noong January 30 ang 9.4 degrees Celsius na pinakamababang temperatura dito sa Baguio para ngayong 2021.
Paliwanag ni Dispo, aktipo pa rin ang northeast monsoon o amihan na nagdudulot ng mababang temperatura sa lokalidad.
Inaasahan aniyang magtatagal ito hanggang sa unang linggo ng Marso.
Batay sa record, naitala ang 6.3 degrees Celsius na lowest temperature sa City of Pines noong January 18, 1961 na sinundan ng 6.7 degrees Celsius noong February 23, 1963 at 6.8 degrees Celsius noong January 8, 1968.