CENTRAL MINDANAO-Nasawi ang siyam katao sa pananambang at engkwentro sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga nasawi na sina Abdul Khaeer Odin, Zulfikar Taya,Sammy Palao at anim na kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu).
Sugatan naman sina Alameen Piang,Mohamad Kanakan at dalawang Cafgu.
Ayon kay Colonel Donald Gumiran ng 602nd Brigade na unang tinambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang isang Cafgu na lulan ng motorsiklo sa Sitio Tamenag Barangay Tapodoc Aleosan Cotabato na sakop na ngayon ng SGA-BARMM.
Dahil malapit lang sa Detachment ng CAA ay dinig na dinig nila ang mga putok ng mga armas.
Mabilis na nagresponde ang mga kasapi ng Cafgu at inabutan pa nila ang kanilang kasama na nakabulagta sa kalsada.
Hinalughog ng mga Cafgu ang lugar kung saan nagtago ang mga rebelde at doon muling nagkaputukan.
Humupa lang ang engkwentro ng umatras ang mga rebelde at dumating ang mga sundalo katuwang ang mga pulis.
Ngunit ayon sa pamilya ng tatlong nasawi hindi umano ito rebelde at walang kinalaman sa ambush kung saan pinasok ang kanilang bahay at pinaputukan ng mga Cafgu.
Sinabi ng menor de edad na nasugatan na Barangay Kagawad ang kanyang ama ngunit pinagbabarilin pa rin ito.
Kinomperma naman ni Aleosan Chief of Police Major Jennefer Amotan na may matagal ng hidwaan ang grupo ni Kumander Montasir at Wakan Group ng mga Cafgu sa hangganan ng Aleosan at Pikit Cotabato.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Aleosan PNP sa naturang pangyayari.