-- Advertisements --

ROXAS CITY – Hindi halos makapaniwala ang siyam na taong gulang na batang babae na magagawa siyang gahasain ng itinuturing niyang barkada.

Nangyari ang umano panggagahasa kay alyas Ann sa isang abandonadong restaurant kung saan may isang silid na nagsisilbing pahingahan ng biktima sa tuwing hindi ito makakauwi sa tinutuluyang bahay ng tiyahin.

Sa interview ng Bombo Radyo kay “Bebe,” tiyahin ng biktima, humabol sa nag-iinumang mga menor de edad na mga kalalakihan ang pamangkin kung saan nang malasing ay nakatulog ito.

Dinala ang biktima sa abandonadong restaurant at doon ginawa ang panghahalay ng binatilyo na nakainuman.

Ayon pa sa tiyahin ni Alyas Ann, nasa pangangalaga nito ang pamangkin dahil nagtatrabaho ang mga magulang nito.

Nalaman lamang nito na ginahasa ang biktima matapos nagsumbong sa kanya ang isang kakilala na nakitang umiiyak ang dalagita.

Matapos kumprontahin ng tiyahin ay umamin naman ang biktima na isinalaysay ang nangyari.

Napag-alaman na may pagkapasaway ang biktima at mahilig maglakwatsa kasama ang barkada.

Samantala nakita sa medical examination na may old healed laceration ang biktima.