CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa siyam katao ang hinuli ng mga otoridad sa paglabag sa Public Health Emergency at Executive order #22 sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na sina Ben Lozada, 44, may asawa, driver at residente ng Matalam Cotabato, Alex Ubpon Sandalian Jr., 39; Datu Ali Balad Unto, 21; Che Detoperez Guevarra, 44; Antonio Pabor Apatan, 59; Vergel Benito Ostique, 41; Ismael Gumayao Masulot, 37, at Amil Akmad Guiambal, 51, mga trisikad driver at mga residente ng Midsayap, Cotabato.
Kasama din sa Hinuli si Luisito Reyes Rosauro, 48, may asawa at residente ng Cotabato City.
Nanguna sa paghuli sa mga traysikad driver si Midsayap chief of police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga dahil sa paglabag nito sa Public Health Emergency na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte at Executive Order 22 na inisyu ni Midsayap Mayor Romeo “Roming” Araña.
Mahigpit na pinagbabawal sa bayan ng Midsayap ang pamamasada ng traysikad, dagit-dagit, habal-habal, van, multicab at iba pa dahil sa pinaigting na kampanya ng LGU-Midsayap laban sa COVID-19 at pagtalima sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Sa ngayon ang mga suspek ay nakapiit na sa costudial facility ng Midsayap PNP at nakatakdang sampahan ng kaso.