-- Advertisements --
ASG Sulu surrenders AFP

Siyam na mga bandidong Abu Sayyaf ang boluntaryong sumuko sa militar kasabay nang pagbisita ng Pangulong Duterte sa Sulu.

Ayon kay 11th ID at JTF Sulu spokesperson Lt. Col. Gerald Monfort, sumuko ang siyam na ASG sa kalagitnaan ng pinalakas na security operations na ipinatutupad ng militar kasunod ng kambal na pagsabog sa kampo ng militar.

Sumuko ang siyam na mga bandido sa 2nd Special Forces Battalion bitbit ang kanilang mga armas.

Isinuko ng mga ito ang dalawang M16 rifles, limang M1 garand rifles, at dalawang caliber .45 pistols kay Brig. Gen Antonio Nafarrete, commander ng 1101st Infantry Brigade at Brig. Gen Corleto Vinluan Jr., commander ng JTF Sulu.

Ayon daw sa mga sumuko, may mga ilan pa silang kasamahan na nagbabalak na ring sumuko dahil nahihirapan na sila walang tigil na opensiba ng militar.

Sinabi naman ni Vinluan, ipapataw ng militar ang buong pwersa ng batas sa mga nalalabing miyembro ng ASG.

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang heneral na sa tulong ng lokal na pamahalaan at buong Tausug community ay nalalapit na ang katapusan ng ASG.

ASG surrenders AFP Sulu