Sumuko sa militar ang siyam na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) nitong Lunes sa 1102nd Infantry Brigade Headquarters sa Brgy Tagbak, Indanan, Sulu.
Kinilala ni Joint Task Force – Sulu at 11th Infantry Division Commander MGen William N Gonzales ang mga sumuko na sina:
Alyas Mannan Abdul, Aldaser Bingkal, alyas Tisoy at alyas Madz, na mga tauhan ni ASG sub-leader Basaron Arok; Takiyo Imdan at Totoh Engal na tauhan ng namatay na leader Hatib Hajan Sawadjaan; Ahamad H Hadjilani na tauhan ni senior leader Radullan Sahiron; alyas Abu Jundi na tauhan ni sub-leader Yasser Igasan; alyas Ramon na tauhan ni sub-leader Idang Susukan at Alabsi Bisaya.
Kasabay nilang isinuko ang tatlong Cal .30, M1 rifle, isang M1 Garand, isang Uzi Sub Machine Gun, isang US Carbine Cal 30 M1 isang KG9 Cal 9mm, at mga magasin at bala.
Siniguro naman ni MGen. Gonzales sa mga nagbalik-loob na makakatanggap sila ng tulong pinansiyal mula sa pamahalaan upang magakapsimula uli.