Usap-usapan pa rin ngayon sa iba’t ibang dako ng mundo ang pangangak ng 25-anyos na babae mula sa bansang Mali na nanganak ng siyam na babies.
Ang tawag dito ay nonuplets.
Kinumpirma ng Moroccan health ministry na malusog ang siyam na mga babies sa kabila ng pangamba ng marami na napakadelikado ang pangyayari na tinawag na pambihira.
Sinabi pa ng ilang ilang eksperto na mahirap ang tiyansa ng survival ng napakaraming babies sa loob ng tiyan ng isang ina.
Kung very rare ang panganganak ng isang babae ng anim o septuplets at mas lalong “very extremely rare” ang panganganak naman ng siyam.
Kaya naman, bumubuhos ngayon ang pagkamangha at pagkagulat ng marami sa kakakaibang panganganak ng siyam na mga babies nang sabay sabay.
Noong una sa buong akala ng Mali health ministry ay pito lamang ang nasa loob ng tiyan ni Halima Cisse matapos sumailalim sa ultrasound.
Sinasabing si Cisse ay nagmula sa isang mahirap na lugar sa West African state.
At para maalagaan ang panganganak nito, dinala ang ina sa sa Morocco para sa maayos na delivery.
Sa ngayon matapos ang matagumpay na pangangak ng siyam na babies, nakatakda na silang bumalik ng bansang Mali.