-- Advertisements --
Screenshot 2021 08 25 10 41 38

ILOILO CITY – Isinailalim sa surgical lockdown ang siyam na barangay sa Iloilo City matapos na-detect ang ilang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Delta variant.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, sinabi nitong kabilang sa mga barangay na may portion na ila-lockdown ay ang Jereos, Magsaysay sa Lapaz; Cubay at Tagbak sa Jaro; North Fundidor at Katilingban sa Molo; Calahuna, Guzman at Navais sa Mandurriao.

Ayon sa alkalde, nagsimula ang lockdown ngayong araw at tatagal hanggang Agusto 28.

Nasa 11 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng Delta variant sa nasabing mga barangay.