-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Natanggap na ng unang batch ng mga barangay sa Midsayap Cotabato ang E-Library Computer at KOHA System mula sa National Library of the Philippines.

Kabilang sa mga barangay na ito ay ang Brgy. Agriculture, Arizona, Bitoka, Central Bulanan, Kimagango, Malamote, Milaya, Patindeguen at Poblacion 8.

Sa turn-over ceremony, binigyang diin ni Sangguniang Bayan Secretary Mila Bayog ang importansya ng E-Library at KOHA System para sa mga kabataan.

Labis naman ang galak at pasasalamat ng siyam na Barangay kay Municipal Librarian Philline C. Cadungog, sa pagpupursigi nito na makumpleto ang mga papeles para sa Library Affiliation na isinumiti sa National Library.