Narescue ng mga otoridad kasama ang iba pang concerned agencies ang siyam na mga indibidwal na biktima ng Alleged Trafficking in Person (TIP).
Ayon kay PNP-ARMM Spokesperson PSInsp. Jemar Delos Santos na nagsagawa ng rescue operation kahapon August 4,2018 ang mga tauhan ng Tawi-Tawi Provincial Women and Child Protection Desk, kasama ang DSWD -9, DSWD Bongao, WCPC MFU at Langunyan Municipal Police Station na nag resulta sa matagumpay na pag rescue sa siyam na mga biktima.
Sinabi ni Delos Santos, batay sa ulat na nakarating sa mga concerned agencies, nakakaranas maltreatment, forced labor at pagka-alipin sa utang sa kanilang employer.
Ang employer ng mga biktima ay si Gaspar Abah, Barangay Chairman ng Basbas, Languyan, Tawi-Tawi.
Kinilala ang siyam na mga biktima na sina Ricky Calogada, 19-anyos; Harry Calogada,18-anyos; Joshua Calogada,17; Dennis Barra, 23;Â Â Juanito Decena,23; Aldrich Piniones,18; Leslei Aguinaldo,22; Jaymark Agan,24 at Richmel Romero,22.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10365 Trafficking in person ang employer ng mga biktima.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng DSWD Bongao ang mga biktima at ina-ayos na rin ang kanilang pag-uwi patungong Zamboanga City.
Pinuri naman ni PNP-ARMM regional police director, CSupt. Graciano Mijares ang matagumpay na rescue operation.
” Together we can do so much to eliminate trafficking in person in our area, rest assured that we will continue to stop this lawless activity,” mensahe ni Mijares.