ILOILO CITY – Ipinasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang siyam na banking units ng Valiant Bank sa Western Visayas.
Ang nasabing utos ng BSP ay epektibo simula kahapon, Mayo 17.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Errol Ibañez Jr., assistant department manager at deputy spokesperson ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), sinabi nito na hindi nakapagpasa ng requirements ang Valiant Bank dahilan upang inirekomenda ng Monetary Board ng BSP na ipasara na lamang ang bangko.
Dagdag pa ni Ibañez, mayroong 7,000 na kliyente ang siyam na banking units ng Valiant bank sa Antique, Iloilo, Iloilo City, Bacolod City at Roxas City at sa ngayon patuloy pa ang inventory sa lahat ng assets ng nasabing bangko.
Tumanggi naman si Ibañez na magbigay ng komento hinggil sa totoong dahilan kung bakit ipinasara ang Valiant bank.
Sa kabila nito, ipinangako naman ng PDIC na mabayaran ang lahat na banking clients ng nasabing bangko ngunit dapat na sundin ang requirements kagaya na lang ng pagpapakita ng proof of deposit at valid identification cards para sa nga may deposito na P100,000 pababa.
Habang kailangan namang magsampa ng claims ang mga depositor na may banking deposits na mahigit sa P100,000.