-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Siyam na buwang lalaking sanggol ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) sa siyudad ng Cotabato.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa rehiyon-12.

Hinihintay pa ang PH number ng sanggol at nasa maayos itong kondisyon.

Ang sanggol ay ika-24 na nagpositibo sa Covid 19 at pinaka-bata sa rehiyon-12.

Ang biktima ay direkta nitong nakasalamuha ang ika-23 na 11 anyos na dalagita na nagpositibo sa Covid 19 sa Cotabato City.

Sa ngayon ay umaabot na sa sampu katao sa Cotabato City ang nagpositibo sa Covid 19 at anim ang gumaling na.