-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Siyam na Chinese nationals na nagtatrabaho bilang construction workers sa bansa ang nakatakdang pabalikin sa kanilang bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, ibinulgar ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroong isang kompaniya sa Metro Manila na may mga Chinese na nagtatrabaho bilang mga construction workers sa pagpapatayo ng isang gusali.
Aniya, nagsagawa na sila ng inspection sa nasabing lugar at napatunayan nilang mayroong mga dayuhang Chinese na nagtatrabaho na walang working permit.
Bukod sa deport ation ay nakatakda ring irekomenda ng DOLE sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) na i-blacklist sa Pilipinas ang siyam na mga dayuhan.