-- Advertisements --
Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkain ng mga lamang dagat sa siyam na lugar sa bansa matapos na maapektuhan ito ng paralytic shellfish poison o toxic red tide.
Kinabibilangan ito ng Sorsogon Bay sa Sorsogon, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur, Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental, Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte, karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at sa karagatan ng Milagros, Masbate.
Sa mga nabanggit na lugar ay mahigpit na pinagbabawal ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang.
Hindi naman apektado ang mga ibang lamang dagat gaya ng pusit, hipon at alimango basta ito ay nahugasang mabuti bago lutuin.