-- Advertisements --
MV BONITA

Kaagad na humingi ng tulong sa mga otoridad ang natitirang crew members ng MV Bonita sa mga otoridad matapos dakipin ng mga pirata ang siyam sa kanilang mga kasamahan.

Base sa kwento ng mga crew members ng Norwegian shipping firm J.J Ugland, bigla na lamang sumakay sa MV Bonita ang mga pirata at kinidnap ang kanilang mga kasamahan habang naka daong sa pantalan ang kanilang sinasakyang barko.

Dumaong ang nasabing barko sa port city ng Contonou noong Sabado upang hintayin matapos ang pagdiskarga sa ilang shipment ng gympsum.

Sinigurado naman ng kumpanya na tututukan nila ang kaso at kaagad na bibigyan ng updates ang pamilya ng biktima.

Kasalukuyang nakikipagtulungan ang emergecy response team ng J.J Ugland sa mga otoridad upang resolbahin ang kaso.

Sa inilabas na report ng International Maritime Bureau (IMB) noong Hulyo, isang nonprofit organization na tumutulong upang labanan ang krimen sa karagatan, kinilala nito ang Gulf of Guinea bilang “world piracy hotspot.”

Base pa rito, tinatayang 73% ng kidnappings ay nagaganap sa karagatan at 92% naman ng hostage-takings ay nangyayari sa Gulf of Guinea simula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.